22nd month. ♥
A spoiled surpise
8th of May, kausap ko siya sa cellphone, we were talking about the next day, sabi ko pupunta ko sa kanila, the usual na ginagawa ko monthsary man namin o hindi. then, out of nowhere, sabi nya may pupuntahan daw siya sa Pasay. nagulat ako, madyo nagalit pa nung una kasi alam naman niyang monthsary namin kinabukasan tapos aalis siya. nung tinatanong ko kung saan siya pupunta sabi niya mag-aapply. naghinala na agad ako at bigla kong naalala na sa Pasay nga pala ang airport.
kinabukasan, 9th of May. ineexpect ko na susunduin nya ko. muntik na kaming di magkita medyo na-late kasi siya ng ilang minuto lang naman. buti na lang medyo naghintay ako saka ineexpect ko talaga na pupunta siya.
“sabi ko na pupunta ka e.”
“galit galitan ka pa?” sabi nya.
tumawa lang ako.
bigla siyang naglabas ng maliit na paperbag ng blue magic galing sa pouch nya.
nagulat ako. binasa ko yung card

tapos binuksan ko ung paper bag, nung nakita ko ‘yung laman napaiyak ako, sabay yakap sa kanya.


na touch ako kasi alam ko wala na talaga siyang budget pero nag-effort pa talaga sya pumunta sa airport para sunduin ako AT may regalo pa siya. nag sorry pa siya kasi maliit lang pero para sa’ken napakalaking bagay ng regalong ‘to.
sabi pa niya nung nasa SM Southmall na kami….
“tatlong taon na tao.”
“ha?” tanong ko.
“bilangin mo mula nung dati, 1 year and 2 months diba? plus ngayon, 22 months…”
isip naman ako.
14 + 22 = 36
“oo nga ‘no.”
————————————————————————————
inlab. ♥♥♥
P.S. siya nga pala si TEDDY BO. :)
(Source: mhengkytearjerky)
kahapon 05.12.12
Saturday, my favorite day dahil rest day ko. :)
Pumunta si bf dito sa bahay. Ang plano talaga namin ay pumunta sya ng 0530H para mag jogging. Sa kasawian palad, tinanghali siya ng gising kaya 1230H na siya nakapunta.
Naglaba kami as usual, nag internet at nag jogging around 1630H. After kong mapagod, umuwi na kami. Nabigla ang muscles ko dahil ‘di naman ako sanay magexcercise. Masakit pa nga din hanggang ngayon.
Tapos, nanood kami ng DVD. Bicentennial Man. Touching. Medyo nakakaiyak.
Ayun tapos pinauwi ko na sya kasi antok na antok na ko. Kung pwede lang dito sya matulog just like before e. Why not? Kaso iba na ngayon… Madami na kami sa bahay. Kumpleto na kami.
Anyway, sulit rest day na naman dahil nakasama ko siya. :)
Thank God.
(Source: mhengkytearjerky)
‘yung kung kelan pauwi ka na saka naman dumagdagsa ng trabaho at iniistress ka. #nakakasura
(Source: mhengkytearjerky)
back from hibernation.
oh well.. naging busy this past few days (o weeks na ata? di ko na sure) at di na nagkatime na makapagpost dahil pag uwi ko rekta borlog na. pa hapyaw hapyaw na lang sa wifi at nagttweet pa-minsan.
anyway. mhengkytearjerky has a lot to post here. naburyo na ang blog ko ng husto at di na updated.
will post more later…
- 22nd month. :)
- stressful event today 05.13.12
- a mother’s day special post
HELLO EVERYONE! :D
(Source: mhengkytearjerky)
Chukchakchenez night. 04.29.12
Korean dinner date with Emoys plus A6 buddies.
Namiss namin ang isa’t-isa, kaya heto ang trip namin last Sunday night…
MAKCHENG KOREAN RESTAURANT
Anyonghasseo!

Eto ‘yung naenjoy ko talaga.. napapanood ko lang dati sa mga koreanovela ‘to e… ngayon, natikman ko na!

syempre, di kumpleto ‘pag walang soju…

masayang gabi kahit medyo napuyat dahil inumaga na ng uwi. at least nakumpleto kami.. :)

(Source: mhengkytearjerky)


